payb deys
March 19th, 2009 by quandary30Last day na pala noh??
Tapos sa Monday kita kitz ulit, magpaprakis tayo para bonggang bonggang “goodbye” natin. Nakakalungkot syempre pero anu ba magagawa natin??Tuloy pa rin ang ikot ng mundo, at taga sunod lang tayo…
>Graduation Day
Pagkatapos kaya ng sampung taon??
Nakangiti pa kaya si Lou Davin??
Itim pa kaya ang medias ni Reven??
Anime adik pa rin kaya si Ivy??
Nag dodota pa rin ba si sam??
Kumusta na kaya ang WTF??
…eh ang PUWIT??
… ang GANID??
… ang SPED??
… ang Emonyitaz??
Nagtuturo pa kaya ang mga alamat ng private??
Matatawa pa kaya tayo sa mga punch line natin ngaun??
Nasa Canada pa kaya si Keeney?
Kumusta na kaya ang nabuong samahan??
Buo pa kaya toh??
Sino ang matitira??
Sino ang matagumpay??
At sino ang matatag??
Pag katapos ng limang araw iiwan na natin ang paaralang humubog sa kung ano tayo ngayon,. Unti-unti nauubos na ang kandila ng buhay Hayskul. At pagkalipas ng tatlong bwan? Haharapin na natin ang susunod na kabanata. Walang may alam kung ano ang naghihintay, suspense… may thrill daw dapat.. nakakatakot.
Sa IV-Truth
` salamat sa huling taong ibinigay nyo sakin, sa mga bagong kaibigan, sa mga luma ng samahan, sa adviser ko… na kunwari matino peo wag ka, adik din… hahahaha. Salamat sa alaalang iiwan nyo sakin,, Salamat sa mga katabi ko (lalo na pag exam) salamat sa kopyahan, iyakan, tawanan, tampuhan… salamat sa lahat… di ko kayo makakalimutan
Sa III-Aquamarine
`Haaaayyy san ba ko mag sisimula?? Grabe aqua… dahil sa inyo, nalaman ko ang totoong lungkot, at ang totoong saya… andaming pinagdaanan last year… pansin nyo?? Ako sobra… nyahahahah peo sa kabila nong lahat ng yon, kahit na nagkahiwahiwalay ung ilan satin,, eto pa din… magkakaibigan pa din, ang aqua na isang buhat lagi,, hindi nag iwanan,, tama ba?? Hanga ako sa samahan last year… salamat dahil don.
Nakalimutan ko na ung farewell speech ko last year
Eto na lang natatandaan ko:
“Ohana means family; family means nobody gets left behind, or forgotten”
Salamat sa pagiging mga kapatid ko,, alam ko kahit anong gawin natin hindi na natin maibabalik tong mga panahong toh, kaya ngaun pa lang sulitin na natin…
Limang araw na lang pala
….